Wikang Katutubo, Tutubo!

Keywords:

Isinulat ni: Bb. Virginia Salazar ng Kagawaran ng Filipino


Patuloy ang pagpapakita ng pagmamahal sa iba’t ibang wika ng mga mag-aaral ng paaralang Xavier Nuvali higit ngayon dahil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan!


Sa pamamagitan ng mga gawain sa Buwan ng Wika at Kasaysayan, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataong ipagdiwang ang kanilang pagka-Pilipino. Isang itong pambihirang okasyon kung saan kinakatawan ng bawat Pilipino ang kanyang kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang ekspresyon at larangan. 


Bilang pagpapatibay ng pag-aaral ng wika, kasaliw sa saya ang kasaysayan ngayong buwan ng Agosto. Sa pagbubukas ng selebrasyon noong Agosto 13, ipinakita na ang iba’t ibang kaabang-abang na gawain para sa nasabing buwan. Sa pasinaya nina Bb. Salazar at Bb. Valdez, at sa nag-gagandahang damit pangkatutubo ng mga guro, buhay na buhay ang programa. ‘Di naman nagpahuli ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang nang sila ay nagpakita ng sama-samang pagsayaw ng iba’t ibang bersyon ng Ati Cu Pung Singsing. Bida naman ang ikatlong baitang sa malikhaing pagtula. Upang mas buhay ang enerhiya ng lahat, ilang guro naman ang nagbigay ng presentasyon na nagpapakita ng pagsaliw sa isang katutubong sayaw.








Narito ang ilan sa mga aktibidad na ginawa ng mga mag-aaral -

  1. Pagbati sa wika ng Bisaya, Tausug at Ivatan ang binida sa kanya kanyang silid-aralan upang mapalaganap ang wikang katutubo. Kapian kapanu dius chi mavekhas! ika ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang!

  2. Masasayang awitin naman ang sinayawan at inawit ng mga mag-aaral mula unang baitang hanggang ikatlong baitang nang nagpakitang gilas ang mga ito sa Tanghal- Tanghalian mula Agosto 19- 22. Bida ang mga kakatwang linyahan mula sa ikatlong baitang!

  3. ‘Di naman nagpahuli ang exhibit ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang tungkol sa CALABARZON!


Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan, parada ng mga salitang may kaugnayan sa mga hayop, mga gulay sa Bahay Kubo, mga kasuotan ng mga katutubo, at kalikasan ang ipinakita, at isinuot ng mga mag-aaral noong Agosto 23. Ipinakita ng mga mag-aaral sa K ang iba’t ibang hayop sa Pilipinas at mga gulay sa Bahay Kubo naman ang sa unang Baitang. Di naman nagpahuli ang makukulay na kasuotan mula sa bawat panig ng Pilipinas ang suot suot ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang, at mga magagandang yamang likas naman ang sa ikatlong baitang. Ang mga ngiti at tawa ang naging hudyat ng kasiyahan ng pagunita sa ating wika at kasaysayan. 


Tunay nga na ang pagkilala sa wikang katutubo ay ang pagkilala sa pagka-Filipino! Mabuhay sana ang butil ng pagmamahal sa puso ng bawat mag-aaral hindi lamang tuwing buwan ng Agosto kundi araw-araw. Patubuin ang Wikang Katutubo sa pag-asa ng mayamang kultura, noon, ngayon, at bukas!

Related News

Read All Articles