- About Us
- Admissions
- Kindergarten
- Grade School
- Junior High School
- Senior High School
- Download School Fees
- Financial Aid
- Campus Life
- Circulars
- Give
- Careers
Isa sa mga ginawaran ng gantimpalang Best Paper ang papel pananaliksik na “Paghahambing ng Epekto ng Pabigkas Kumpara sa Pasulat na Pagsusulit sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Xavier School Nuvali sa Online na Klase”, nina Francine Chua, Sofia Gatchalian, Clare Lantin, Kassandra So- XSN Batch 21 at kasama ang guro sa Pananaliksik na si G. Paulo Zipagan, sa ginanap na De La Salle University-Dasmarinas High School Research Fair 2021, ngayong Mayo 12,14,15, 2021.
Ibinahagi nina Francine Chua, Sofia Gatchalian, at Clare Lantin ang kanilang pananaliksik na may pamagat na “Ang Paghahambing ng Epekto ng Pabigkas Kumpara sa Pasulat na Pagsusulit sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Xavier School Nuvali sa Online na Klase.” Sa temang pumailalim sa temang Filipino Philosophy and the Sociology of the New Normal, tinalakay ng kanilang pananaliksik ang pagiging epektibo pati na rin ang persepsyon ng mga mag-aaral ng ika-12 baitang ng Paaralang Xavier Nuvali ukol sa pasulat pabigkas na mga pagsusulit sa online na klase. Natuklasan ng kanilang pag-aaral na mahusay sa parehong uri ng mga pagsusulit ang mga mag-aaral ngunit kung sila ang tatanungin, mas gugustuhin nila ang pasulat na pagsusulit. Kabilang din sa mga nagbahagi ng kanilang pananaliksik sina Argem Manalo, Aaron Cagampang at Joshua Lapaan. Sa temang Arts, Robotics, and Climate Studies, ibinahagi nila sa plenary sesyon ang pananaliksik na Komparatibong Pananaliksik sa Earth Science-related Disaster Risk Reduction Management Knowledge ng mga napiling Mag-aaral mula sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics Strand ng Baitang 11 at Baitang 12 ng Xavier School Nuvali. Tiningnan nito ang kahusayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa Earth Science pati na rin sa DRRM.
Sa temang “Facing Challenges through Innovations and Excellence in Research”, tinalakay at ibinahagi ng kongreso ang iba’t ibang pananaliksik na nagtagumpay sa kabila ng mga hamong hinaharap sa kasalukuyang pandemya. Ang De La Salle University-Dasmariñas High School Research Fair 2021 ay ginanap noong ika-12, 14 at 15 ng Mayo 2021.Kabilang sa mga gawain ay ang poster presentations at parallel sessions na nilahukan ng daan-daang mga guro at mga mag-aaral mula sa Cavite at karatig-lalawigan.
Groundbreaking Rites for the XSN JHS Building
3 Xaverians win medals in Asian Math Olympiad