- About Us
- Admissions
- Kindergarten
- Grade School
- Junior High School
- Senior High School
- Download School Fees
- Financial Aid
- Campus Life
- Circulars
- Give
- Careers
Ang Buwan ng Agosto ay Buwan ng Wika. Ito ay taonang ipinagdiriwang sa ating paaralan at buong bansa. Sa taong ito, hindi papapigil ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Mas espesyal at mas napapanahong kilalanin ang ambag ng Wikang Filipino at Katutubong Wika sa Pilipinas sa paglutas ng suliranin sa pagpigil ng pagkalat at pagsugpo sa COVID-19. Sa taong ito ang tema ng ating Paaraalan ay #BAGANIXS: Tagapagtanggol na Xaverian, bayani para sa mga bayani.
Ang BAGANI para sa mga LUMAD o katutubong Pangkat sa Mindanao ay tumutukoy sa mga taong nagtatanggol at tagaprotekta ng buhay, pag-aari at teritoryo. Pangunahin nitong papel ang pagbabantay sa kanilang lupain laban sa pagpasok ng mga dayuhang hindi nila katribo. Espesyal ang tungkuling ito dahil kailangan nilang siguraduhing ligtas ang kanilang lugar sa anumang panganib kaya itinuturing silang bayani ng kanilang lugar. Dahil kinikilala natin ang ambag sa kultura ng katutubong wika ng mga LUMAD, gagamitin natin ang salitang BAGANI upang tayo ay maging tagapagtanggol din ng ating bayan laban sa anumang panganib. At sa panahon ng pandemya, kailangan nating siguraduhin na ligtas ang bawat isa sa atin upang di na kumalat ang COVID-19. Kaya naman ang mga gawain natin sa Buwan ng Wika at nakatuon sa ating munting kabayanihan para matulungan ang mga BAGANI ng bayan ang mga Frontliners sa pagpapantili ng kaligtasan ng ating mga kababayan. Kayo ay mga Tagapatanggol na Xaverian, bayani para sa mga bayani.
Narito ang mga inihandang gawain ng Paaralang Xavier Nuvali sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino para sa Buwan ng Wika 2020:
WikArt (Kinder at Baitang 1)
Ihanda na ang mga lapis, pangkulay at papel. Kasama ang natatanging guro ng sining sa Paaralang Xavier, ipagmalaki mo na ikaw ay batang bayani sa gagawing self-portrait ng isang Batang Bagani.
Kuwentong Bayani (Baitang 2 at 3)
Heto na ang pinakahihintay nating gawain para sa ating baitang ngayong Buwan ng Wika. Sama-sama tayong alamin kung paano tayo magiging sariling bersyon ng bayani ngayong panahon ng pandemya. Kasama si Russell Molina, isang sikat na manunulat, makinig at magsaya tayo sa isang Kuwentong Bayani.
Hakbang (Baitang 4)
Tao para sa iba.
SalamatBayani (Baitang 5)
Isang handog ng pasasalamat para sa walang sawang serbisyo ng mga tagapagtanggol ng bayan. Sabay-sabay nating suklian sa pamamagitan ng ating munting pamamaraan ang mga naglahad ng kanilang sarili para tiyakin ang ating kaligtasan ngayong panahon ng pandemya.
BaganiXSImpormasyon (Baitang 6)
Ikaw rin ay isang batang bayani sa panahong ngayon. Halina't ipakita ang iyong galing sa paggawa ng poster.
Text Tanaga (Baitang 7)
Ibahagi ang mga tanagang tumatalakay sa danas ng bayan sa panahon ng pandemya! Ang mapipiling mga tanaga ay magiging opisyal na entry sa Covid Text Tanaga ng NCCA. Ang mga magwawagi ay may pagkakataong mailathala at magkamit ng mga papremyo!
Kisapmata (Baitang 8)
Maikli. Mabilis. Tapat. Sapat. Hindi lantad ngunit nagsisiwalat. Kisapmata...isang pasilip sa lipunan.
E-saling Bagani (Baitang 9)
Tunghayan ang mga isinaling bidyo ng mga nasa ika-9 na baitang na lubos na makatutulong sa atin patungkol sa COVID-19. Matuto at manatiling ligtas.
Anong Ambag Mo? (Baitang 10)
Pakinggan ang mga bukas na liham at panwagan ng mga baganing mag-aaral sa ika-10 baitang para sa sambayanang Pilipino at kanilang pamahalaan upang kumilos tungo sa paglaya.
Wikang Filipino: Midya sa Panahon ng Pandemya (Baitang 10, 11 at 12 )
Kasama ang ilan sa mga eksperto sa pamamahay bibigyang kontekstuwalisasyon sa kung paano magagamit ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaisipang Filipino sa Social Media sa panahon ng pandemya. Tuklasin ang ginagampanan ng midya bilang mga bayani at tagapagtaguyod ng malayang pamamahayag.
MusiKapwa (Baitang 11 at 12)
Tunghayan ang mga pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Senior High School at iba pang mga mang-aawit at musikero sa isang maikling konsiyertong alay at pagbibigay-pugay sa mga bagong Bagani!
Talaga namang hindi papapigil! Tara at samahan ninyo kami mga kapwa bayani at bigyang pugay ang mga Bagani ng ating bayan!
Groundbreaking Rites for the XSN JHS Building
XSN Sparkle - January 2023
Lessons Learned at Xavier School Nuvali After Four Weeks of Hyflex Schooling